CAMP DANGWA, Benguet – Siyam na drug pusher na kinabibilangan ng dalawang Regional Top Ten Drug Personality, 3 High Value Individual at 4 na Street-Level Individual (SLI), ang magkakasunod na nalambat mula sa pina-igting na kampanya laban sa droga ng Police Regional Office-Cordillera sa rehiyon.
Kinilala ni PROCOR Regional Director BGen. Ronald Oliver Lee, ang unang Regional Top Ten Drug Personality (RTPPD) na nadakip na si Sandi Bulatao Gayudan,28,alyas Whaja, na nahulihan ng 1 gamo ng shabu sa halagang P6,800 mula sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station, Hunyo 6.
Ayon kay Lee, makalipas ang dalawang araw, nasakote din ng Tabuk City PS ang isa pang RTTPD na si Douglas Jefferson Guisob Lomase, 39, matapos mahulihan ng 1 gramo ng shabu sa halagang P6,800.
Ang tatlong (HVI) ay sina Edwin Obngayan Villamor Jr, 33, na nahulihan ng 4 gramo ng shabu na may halagang P28,600 sa buy-bust operation na isinagawa ng Lagangilang MPS sa lalawigan ng Abra, samantalang si Mark Anthony Calub, 34, ay nahulihan ng 1 gramo ng shabu sa halagang P3,500 ng mga tauhan ng Baguio City Poclie Office at Ariane Norman Laforga Dollaga, 40, computer and cellphone technician, ng Kamagong Street, Woodsville Subdivision, Camp 7, Baguio City, na nahulihan ng 0.5 gramo ng shabu sa halagang P3,400.
Ang 4 na SLI ay nakilalang sina Chester Luke Cachin Gallardo, 22; Mark Rodriquez, 26; Glen Irizari Libot, 40 at Lanie Cerezo Villar, 52.
Si Gallardo ay nalambat sa may San Luis Barangay, Baguio City at nahulihan ng 26 gramo ng shabu na may halagang P176,800. Bukod sa droga ay narekober ng pulisya sa backpack nito ang isang Hand Grenade, High Explosive (HE), MK2.
Si Rodriguez ay nahulihan naman ng 10 gramong shabu na may halagang P68,000 sa buy-bust operation sa Barangay Bakakeng Central, Baguio City, samantalang sina Libot at Villar ay nadakip matapos ang drug operation at nahulihan ng 1 gramo ng shabu sa halagang P6,800.
Sa kabuuan, ang mga operatiba ay nakakumpiska ng 44.05 gramo ng shabu na may halagang P300,700. Ang mga arestadong suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
July 10, 2021
July 10, 2021
November 1, 2024
October 26, 2024
October 26, 2024
October 19, 2024
October 12, 2024