BAWAT KATUTUBO AY MAHALAGA, KASAMA RIN SILA SA KAUNLARAN

Ang Pilipinas ay isang bansang may magkakaibang kultura kung saan tinatayang may 14 – 17 milyon na Indigenous Peoples (IPs) o katutubo na kabilang sa 110 mga grupo ng etno-linggwistika. Sila ay karamihang nasa Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region33%) at Mindanao (61%), at ilang grupo ang nasa bandang Visayas.

Bilang pagkilala ng Konstitusyon ng Pilipinas sa pagkakaiba-ibang ito at sa ilalim ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad ay ipinag-uutos ang pagkilala ng estado, proteksiyon, pagtaguyod, at pagsasakatuparan sa mga karapatan ng mga katutubo. Isa pa, ang Republic Act 8371, o ang “Indigenous Peoples Rights Act” (1997, IPRA), ay kinilala ang karapatan ng mga katutubo na pamahalaan ang kanilang mga lupaing ninumo (ancestral domains); naging pundasyon ito ng kasalukuyang pambansang polisiya sa mga Indigenous Peoples.

Sa kabila ng matinding kontribusyon ng mga katutubo sa lipunan at kultura, nananatiling isa ang kanilang mga komunidad sa pinakamahihina at nakararanas ng diskriminasyon. Sa Cordillera at Bangsamoro, sa buong buhay nila, ang mga katutubo ay nahaharap sa maraming patong ng panlipunang diskriminasyon, pang-ekonomiyang marginalisasyon, at kawalan ng kapangyarihang politikal na kailangang matugunan sa lebelo ng institusyonal at lehislatibo.

Ito ay pinalala sa panahon ng pandemya ng Covid-19 dahil nagdusa ng husto dahil sa pagtaboy at awayan na pakana ng mga armadong grupo nais sakupin ang kanilang mga lupa. Sa kabila ng pagkakaroon ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) at ng Bangsamoro Organic Law (BOL), na nagproprotekta at nagtataguyod ng mga karapatan para sa mga katutubo ay nagpapatuloy ay mga puwang at sapawan sa mga mandato ng mga ahensiya ng gobyerno.

Sa kabila ng pagpasa IPRA noong 1997, ang pag-uuri ng etniko ay sinimulan lamang noong 2000 census. Ang mga Indigenous Peoples sa Pilipinas ay tinatayang 10 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng buong bansa, subalit wala pang opisyal na bilang ang maaaring makumpirma base sa datos ng census. Maliban sa datos ng census ay may kakulangan din ng espesipikong datos ng IP sa mga opisyal na survey at administratibong datos sa pangkalahatan.

Sa mga pagkakataong mayroon ilang nakahandang datos, waring nagru-grupo ang IPs sa ilalim ng iisang kategorya ayon sa heograpikong lugar na binabalewala ang mayamang etno-linggwistikong pagkakaiba-iba sa buong bansa. Habang ang karaniwang binabanggit na mga grupo ay ang mga tao sa Cordillera sa hilaga at mga taong Lumad sa timog, sa katotohanan ay may mahigit isandaang mga grupo ng mga katutubo sa Pilipinas.

Sa halip na gawin ang kabuuang populasyon ng katutubo na magkakatulad (homogenous) na mga grupo, ang makilala bilang maramihang natatanging kultural na mga grupo ay bahagi ng kasalukuyang pakikibaka sa pagkakakilanlan ng mga katutubong komunidad sa buong bansa. Sa Pilipinas, ang kakulangan mg representasyon ng IPs sa opisyal na pampublikong datos ay pinatatahimik ang kanilang boses at kagawaan, na nalilimita ang kanilang kakayahan na maging mas aktibo sa lipunan. Nahahayag din nito ang umiiral na hindi pagkakapantaypantay ng oportunidad para sa mga katutubo na kumuha ng mga pangunahing serbisyo.

Ang lawak ng hindi pagkakapantay-pantay na ito ay hindi malinaw na tinukoy, dahil kaunti lamang na pagsasaliksik ang ginawa upang masuri ang hindi pagkakapantay-pantay sa mga etnikong grupo sa bansa. Kumakatawan ito ng isang mahalagang hamon sa paglikha ng pampublikong polisiya sa pambansang antas o mga programang pagbabawas ng kahirapan sa lokal na antas, habang nananatiling hindi napapansin ang mga IPs, hindi nabibilang at sukdulang napagkaitan ng anumang tunay na benepisyo.

Huwag sanang maging katuwiran ang kakulangan ng datos upang lalo pang iwan sa gilid ang mga grupong ito na lubhang napinsala. Kailangan ng mahihirap na tao ang mas mahusay representasyon, at ang mga sistema sa datos ay dapat madisenyo na nasa isipan ang hamon na ito. Ang tamang pagbilang sa IPs ay una lamang na hakbang sa pagtugon sa umiiral nga puwang sa panlipunang pagsasama.

Kailangan ding makipagtulungan ang gobyerno sa mga katapat ng gobyerno at iba pang kasama sap ag-unlad na isama ang etnikong pagkakaiba-iba sa mga opisyal na survey at sistema sa impormasyon upang sistematikong makolekta, tipunin at ipamahagi ang mga datos ng IP. Dahil higit sa lahat, kinakailangang kilalanin na mahalaga ang mga katutubo – kung nais talaga nating wakasan ang matinding kahirapan at itaguyod ang pinagsasaluhang kaunlaran sa bansa.

ARAW AT ULAN

Amianan Balita Ngayon