Category: Editorial

RCEP – kailangan ba natin ngayon?

Ang Pilipinas, Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, and Brunei—at trading partners na China, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand—ay lumagda sa isang multilateral trade pact noong Nobyembre 15, 2020, sa pag-asang muling buhayin ang kanilang mga ekonomiya kasunod ng pamiminsala ng COVID-19. Ang usapin sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay […]

Party List system, dapat ka bang buwagin?

Ang Party List System sa Pilipinas ay bumubuo sa isa sa mahalagang pagbabago sa politika na isinulong ng mga repormistang pampulitikal at panlipunan matapos ang 1986 EDSA Revolution. Sa panahon ng pagbalangkas sa 1987 na konstitusyon ay masidhing ikinampanya ng mga civil society organizations na mapabilang ang party-list system na magbibigay ng pagkakataon sa “marginalized” […]

Makakaya ang mga hamon kung magkakaisa

Matapos ang isa sa pinakamahalagang pambansang halalan sa kasaysayan ng bansa, si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nakatakdang magiging ika-17 pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang mayoryang boto. S a kabila ng walang katapusang pag-aalipusta at pagdikit ng walang-kamatayang retorika ng Martial Law, anak ng diktador, pagnanakaw, walang natapos, di-pagbabayad ng buwis at kung […]

“Vox Populi” – nagsalita na ang higit 31 milyong mga Pilipino

Matapos ang tatlong buwan na maingay, kapana-panabik, maintriga at higit sa lahat mapanganib na kampanya para sa Mayo 9, 2022 na halalan dahil nasa gitna pa rin tayo ng panganib na dulot ng pandemya sa Covid-19 ay nairaos na rin sa wakas ang halalan, isang makasaysang eleksiyon sa bansa sa ilang aspeto – may nanalo […]

Pagkatapos ng lahat…balik na sa dating pagkakaibigan

Isa sa pangunahing puna hinggil sa kasalukuyang pababago sa politikal na komunikasyon ay ang nakapagtuturo o nagbibigay ng impormasyon, nakatutok-sa-polisiya na mga kampanya ay napapalitan na ng negatibo at hanap-away. Ang mga pagpuna at alalahanin ukol sa kakulangan ng diwa o sustansiya ng politikal na debate ay nagiging isa sa mga pangunahing pokus ng pagsusuri […]

Maliit na hiling para sa maliit na halaga – di mapagbigyan?

Tinuligsa ng mga grupo ng mga guro at mga manggagawa sa edukasyon ang 20 porsiyentong buwis sa honorarium at allowances para sa mga guro na magsisilbi sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022. Sinabi ng mga grupo na ang mga guro na ninais na maglingkod at magtrabaho sa halalan sa kabila ng panganib sa […]

Market development project, masusunog uli?

Sa isang press release ay sinabi at binigyan-diin ng dating mayor ng Lungsod ng Baguio na si Mauricio Domogan na ngayon ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod na ang panukalang multi-billion market development project na isinusulong ng lokal na gobyerno ay may maliwanag na legal na mga kahinaan kaya ito raw ay imposibleng maisakatuparan ngayong […]

Mahirap bang sundin ang iniuutos ng Diyos?

Ang relihiyon at politika ay mas lalong nagiging magkaugnay. Ang tumataas na antas ng tumitiwalag sa relihiyon ay isang matinding epekto sa karapatang panrelihiyon kung saan maraming Pilipino ang iniiwan ang relihiyon dahil nakikita nila ito na isang pagpapalawak ng politika na kanilang tinututulan. Binabago rin ng politika ang pananaw ng mga tao sa relihiyon. […]

Sa sapot ng higanteng Facebook, may magagawa ba tayo?

Ang Facebook ang pinaka-popular na social media platform sa mga gumagamit ng internet sa Pilipinas ayon sa isang survey ng Pulse Asia noong Setyembre 2021. Sa isinagawang face-to-face interviews sa 2,400 respondents sa buong bansa ay lumitaw na 63% ng matatandang Pilipino ay gumagamit ng internet, mahigit kalahati dito ay nagsabing nagla-log on sila higit […]

Pagbuwag sa PAGs, may kahihinatnan ba?

Sa pinakamatagal na panahon mula nang mamulat tayo sa politika at sa sistema nito at sa pag-usad nito ay naging tila kakambal na nito ang karahasan, dayaan, at panggigipit kung saan para magawa ito ay umusbong na rin ang pagkakaroon ng mga tinatawag na “private armed groups” (PAGs) ng mga politiko. Nagiging alalahanin at problema […]

Amianan Balita Ngayon