Estudyante, nahagip ng taxi

Isang Grade 3 na estudyante ang dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) matapos aksidenteng mahagip ang kaliwang paa nito ng gulong ng isang taxi sa Purok 8 Upper Pinget, bandang 6pm ng Pebrero 19, 2018.
Ayon sa nakasaksi sa insidente at tumulong sa biktima na si Isaac Dangiwan, 18 anyos, habang papauwi na ang biktimang 8anyos mula sa computer shop ay inambahan ng suntok ng isa pang menor de edad,  na dahilan ng pagtakbo ng biktima sa kalsada. Hindi sinasadyang nasagasaan ang paa ng biktima ng harap na kaliwang gulong ng isang Toyota Avanza Wagon Taxi na may plakang AYT-189 at minamaneho ni Joseph Gatchalian, 55 anyos, na galing sa direksyon ng Magsaysay Avenue patungo sa direksyon ng Upper Pinget.
Ang biktima ay nagtamo ng mga sugat at dinala ni Gatchalian sa BGHMC kasama si Dangiwan na nagmagandang loob upang samahan ang biktima sa nasabing pagamutan.
Nagtungo ang rumespondeng traffic investigator sa BGHMC at kinumpiska ang driver’s license ni Gatchlian kasama na ang OR/CR ng nasabing sasakyan at inisyuhan din ito ng traffic citation ticket. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO,UB Intern

Amianan Balita Ngayon