Executive mula QC, nalunod sa Pangasinan

BOLINAO, PANGASINAN – Isang company executive mula sa Quezon City ang nalunod dakong 9:45 ng umaga noong Oktubre 17 habang nagsu-swimming kasama ang mga kapamilya nito at kaibigan sa Patar beach, bayang ito.
Sa ulat ng mga pulis, ang biktima ay kinilalang si Christian Andrew Avila, 33, logistics head ng Monde Nissin Corp., at residente ng Project 4, Quezon City, Metro Manila.
Idineklara itong dead on arrival sa Rillera Medical Hospital ng bayan.
Iniulat ng pulis na ang biktima at mga kasama nito ay biglang tinangay ng malakas na alon papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat na naging dahilan upang malunod si Avila.
Ang biktima ay nasagip ng mga rescuers at isinugod sa ospital ngunit namatay ito habang nasa daan.
Samantala, ang pamangkin nitong si Gabrielle Alexis Batalla, 19, estudyante mula sa Camiling, Tarlac, ay nawalan ng malay dahil sa insidente at ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan matapos malapatan ng lunas. LEONARDO MICUA, PNA

Amianan Balita Ngayon