Kahit pa may peligro sa pagtupad ng tungkulin

Feb 25, 2017

Sa mundong ito ay may kani-kaniya tayong tungkulin na tinutupad. Sa gobyerno man o sa pribadong sektor, saan mang larangan o antas ng lipunan ay may hanay ng mga tagapagpatupad ng anumang utos, doktrina, alituntunin o batas. Ang pagtupad ng tungkulin kung minsan ay kaakibat ang sakripisyo at maging ang sariling interes at buhay man ay nasasalang sa matinding pagsubok at panganib.
Ilan na ba ang nasulat at naitala sa kasaysayan ng mga taong nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay matupad lamang ang tungkulin at mayroon ding mga pangyayaring hindi naibalita.
Isa na marahil ang hindi makakalimutang trahedya sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagtupad ng tungkulin ng mga miyembro ng Special Action Force ng PNP na kung saan ay magsisilbi lamang sila ng “warrant of arrest” sa dalawang international terrorists sa Mamasapano, Maguindanao sa Mindanao noong Enero ng taong 2016. Bagama’t naisilbi ang mandamiyento at napatay ang isang kilabot na tinaguriang most wanted person ay naging kapalit naman ang buhay ng apatnapu’t-apat na miyembro ng SAF, isang pangyayaring labis na ipinagluksa hindi lang ng mga mahal sa buhay ng mga nasawi kundi ng buong sambayanan at maging ng buong mundo, at tinagurian itong SAF 44.
Pebrero 21 taong ito nang sumambulat ang balitang apat na pulis ang napatay sa Lubuagan, Kalinga na magsisilbi lamang (uli) ng “warrant of arrest” sa ikaapat na most wanted person sa bansa. Bagama’t napatay din ang taong pakay ay kapalit muli ang apat na buhay at ikinasugat ng ilan pang pulis na tumutupad lamang ng sinumpaang tungkulin.
Sa dalawang insidente ay tila may makikitang ilang mahahalagang bagay na kailangang pansinin at maaaring makatulong sa pagbuo ng mga gabay sa pagpapatupad ng mga kautusan at operasyon sa hinaharap. Una ay parehong kilalang delikadong lugar ang dalawang pinangyarihan ng insidente, dito marahil ay nagkulang sa pagplano at “intelligence network” para madetermina ang sitwasyon ng lugar (dahil lumalabas ayon sa ulat na tinutulungan ng komunidad ang mga pakay na tao); pangalawa ay ang puwersa ng maghahain ng mandamiyento de aresto, kung kailangan bang pulis lamang ang magsisilbi o kinakailangan ang ayuda ng militar dahil ang parehong lugar ay kilala nga na baluwarte ng mga rebelde.
Ang dalawang insidente ay ilan lamang sa maraming patunay ng peligro sa pagtupad ng isang tungkulin. Bagama’t sa kaso ng SAF 44 ay nabigyan na ng pinansiyal, pangkabuhayan at pang-eduksyon na tulong ang pamilya ng mga nasawi at sa kaso naman sa Lubuagan, Kalinga ay nangako na rin ang liderato ng kapulisan at gobyerno ng kaukulang tulong sa mga naulila at pamilya ng mga nasawi ay humihingi at sumisigaw pa rin sila ng katarungan.
Ang mga nasawing pulis na ito ay halimbawa lamang ng katotohanang higit sa pagnanais nilang maitaguyod ang pamilya kahit gaano kadelikado ang kanilang trabaho at kahit pa mawalay sila sa kanilang mahal sa buhay dahil sa layo ng kanilang destino ay nangingibabaw pa rin ang sinumpaang tungkulin – ang sumunod sa utos ng mga nakakataas maitaguyod at maipatupad lamang ang batas kahit pa katumbas nito ang kanilang buhay. Sila rin ay may “karapatang pantao” dahil walang katumbas na halaga ang pagdadalamhati at pangungulila ng mga naiwang mahal sa buhay. Pmcjr

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest