Maglive-in partner, patay sa ambus

SAN FERNANDO CITY, La Union – Kasong concubinage, violence against women and their children, at pagpapautang ang nakikitang dahilan sa pagpatay sa maglive-in partner sa bayan ng Santo Domingo, Ilocos Sur.

Ang mga biktimang sina William Ripotola at Lilian Umani ay papauwi na noong Miyerkoles ng gabi, sakay ng tricycle nang pagbabarilin sila ng suspek na sakay ng motorsiklo sa may Barangay Cabaritan.

Ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at idineklarang dead on arrival matapos isugod sa ospital.

Sa imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na si Ripotola ay may nakabinbin na kasong concubinage at violence against women and their children.

Ayon sa pulisya, bukod sa kaso ng lalaking biktima ay sinisiyasat din nila na posibleng may kinalaman ang pagpaslang sa negosyo nitong pagpapautang.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon