Mga turo ni Inay na akala natin ay walang halaga…

May iba’t-ibang hugis at laki ang mga nanay, may iba’t-ibang paniniwala at pagpapahalaga, ngunit pagdating na sa pagiging ina, lahat ng ginagawa ay laging naka-ugnay kung ano ang pinakamabuti, una para sa pamilya at pangalawa sa kaniya.

Wala namang martir, likas at natural na inilalagay ng mga ina ang kanilang sarili sa huli na kasing-totoo ng kanilang mga marka sa tiyan dahil sa panganganak, mga pilegis sa mukha dahil sa stress ng pag-aampon o pagiging stepmother at walang-kondisyong pagmamahal mayroon sila sa kanilang mga anak.

Ano ba ang gusto niyo sa Araw ng Ina? Kalimitan ay nais lang natin na makasama sila sa isang araw, isang buong pamilya. Isang tapat na gusto, subalit kung nais niyo talagang ipakita kung gaano sila kahalaga ay subukan niyong ibalik sa isipan ang mga ito:

Tinuruan ako ng nanay ko na bigyan halaga ang isang maayos na trabaho, “Kung magpapatayan kayo, gawin niyo sa labas. Katatapos ko lang maglinis.”

Tinuruan ako ng nanay ko ng relihiyon, “Magdasal ka na, lalabas din ang katotohanan.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa paglalakbay sa panahon, “Kung hindi ka magbabago, patutulugin kita hanggang sa kalagitnaan ng susunod na linggo.”

Tinuruan ako ng nanay ko ng lohika, “Dahil sinabi ko, kaya ito dapat.” Tinuruan ako ng nanay ko ng mas maraming lohika, “Kung mahuhulog ka sa duyan na iyan at mabali ang leeg mo, hindi ka sasama sa akin sa tindahan.”

Tinuruan ako ng nanay ko na makita ang hinaharap, “Siguruhin mong malinis ang suot mong panloob, sakaling maaksidente ka.”

Tinuruan ako ng nanay ko ng kabalintunaan, “Sige, umiyak ka pa, at bibigyan kita ng dahilan para umiyak.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa agham ng osmosis, “Itikom mo ang bibig mo at kainin mo ang hapunan mo.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa contortionism, “Tingnan mo nga ang dumi sa likod ng leeg mo!”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa pagiging malakas, “maupo ka diyan hanggang maubos ang lahat ng spinach.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa kalagayan ng panahon, “Parang dinaanan ng ipo-ipo ang kuwarto mong ito.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa pagkukunwari, “Kung sinabi ko ng minsan, sinabi ko ng milyong beses. Huwag mong palalain!”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa ikot ng buhay, “Dinala kita sa mundong ito, at kaya kitang ilabas.”

Tiunuruan ako ng nanay ko tungkol sa pagbabago ng asal, “Tumigil ka sa kakaarte kagaya ng tatay mo!”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa inggit, “May milyon-milyon na mga batang kapuspalad sa mundong ito na walang mabuting magulang kagaya mo.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa pag-asa, “Hintayin mo lang na makauwi tayo.” Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa pagtanggap, “Makukuha mo ito kung nakauwi ka na.”

Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa agham ng mediko, “Kung di hindi mo titigilan ang pagduduling-dulingan mo, maninigas kang ganiyan.”

Tinuruan ako ng nanay ko ng ESP, “Isuot mo ang sweater mo, hindi mo ba inisip na alam ko kung nilalamig ka?”

Tinuruan ako ng nanay ko ng katatawanan, “Naku kapag naputol ang mga daliri ng paa mo sa kakalaro mo diyan, huwag kang tumakbo sa akin.”

Tinuruan ako ng nanay ko kung paano maging matanda, “Kung hndi mo kakainin ang mga gulay mo, hindi ka lalaki.”

Tinuruan ako ng nanay ko ng genetika, “Kagaya ka rin ng tatay mo.” Tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa pinagmulang ugat, “Isara mo ang pintuan sa likod mo. Ano ba sa akala mo, ipinanganak ka sa sabsaban?”

Tinuruan ako ng nanay ko ng katalinuhan, “Kung marating mo ang edad ko, maiintindihan mo.”

At ang nakakagimbal na katotohanan – tinuruan ako ng nanay ko tungkol sa hustisya, “Isang araw magkakaroon ka ng sarili mong mga anak, at umaasa akong lalabas silang kagaya mo!”

Sigurado akong napakarami pa akong nakalimutang mga pangyayari, ngunit minsan mahirap para sa mga nanay na hingin kung ano talaga ang gusto nila. Mga paalala lamang ang mga ito, sa
kakatwang paraan upang maipakita at maipadama sa kanila ang kahalagahan, pag-aaruga at pagmamahal na ukol sa kanila na isang regalo na maaaring ibigay sa buong taon– maging sa anumang paraan man ito. Tunay na regalong ibinibigay na may kapalit.

“Ang isang ina ay ang pinakamahalagang pag-aari mayroon ang isang bansa, napakahalaga dahil isinusulong ng lipunan ang kapakanan nito kung napapangalagaan ang mga trabaho ng isang ina.”–

Ellen Key PMCJr.

Amianan Balita Ngayon