Miyembro ng Special Action Brigade, naisahan ng magnanakaw

Nakuha ng isang magnanakaw ang government-issued na pistol ng isang miyembro ng elite police commando na nakatalaga sa Sultan Kudarat noong umaga ng Hunyo 6 sa lungsod ng Baguio.
Katatapos lamang maligo sa banyong nasa labas ng bahay sa Purok 28, Upper Irisan sa lungsod ni Police Officer 3 Roger Faes Fateg, 32, tubong Calanan, Tabuk City sa Kalinga subalit nakatalaga sa 4th Special Action Brigade, 43rd Special Action Company sa Isulan, Sultan Kudarat. Nang tignan niya ang kaniyang sling bag na nakasabit sa dingding ng kaniyang kuwarto ay napag-alaman niyang ang naibigay sa kaniyang pistol CZ 9mm na may serial number A677566, dalawang 9mm magazines na may 30 bala ay nawawala kabilang ang kaniyang mga PNP IDs (PO1 at PO2); Philhealth; PSSLAI at Postal IDs; PNB ATM card; residence certificate; challenge coin; P26,000 na cash; itim na Asus cellphone na nagkakahalaga ng P4,500; at asul na Samsung cellphone na nagkakahalaga ng P650.
Sinabi ng police commando sa Baguio police na isinara naman niya ang pinto ng kaniyang kuwarto subalit nakalimutang ikandado. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon