Taxi driver huli sa droga

Sa panahon na ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani  noong Lunes, Agosto 27, ay isang taxi driver ang hinuli ng mga anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Baguio-Benguet Office.
Sa isang “sting operation” ay hinuli si Manuel Arbelar,33 anyos, isang taxi driver at nakatira sa San Carlos Heights, Irisan, Baguio City, sa loob ng isang inn sa Marcos Highway, Baguio City matapos magbenta ng limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. May timbang na humigit-kumulang isang gramo ang nasabing  shabu na may street value na P6,800 na ibinenta ng suspek sa isang PDEA undercover agent.
Sa pagkakaaresto kay Arbelar ay nakuha sa kaniya ang buy-bust money at ilang drug paraphernalia.
Napag-alaman din ng PDEA na miyembro ang suspek ng isang lokal na drug group at kasalukuyang nakapiit pansamantala sa PDEA-CAR jail facility habang ipinipila ang kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. PMCJr.

Amianan Balita Ngayon