Author: Amianan Balita Ngayon

Mga survey sa tuwing eleksiyon, anong say ninyo?

Kayo ba’y naniniwala o hindi sa mga surveys sa tuwing may eleksiyon? Tiyak naming hindi iisa ang inyong sagot, mga pards. Kung bakit, yan ang ating hihimaying maigi sa eksenang ire ng daplis mga pards. Hindi tayo manghuhula pero meron tayong mga puntos mula sa mga nakaraang mga halalan. May ginawang mga survey na rin […]

Ni-rape na, tinalupan pa ng mga demonyo

Mga tinamaan ng sangtoneladang pagmumura ng bayan. Yan ang mga demonyong gumahasa na nga, tinalupan pa ang mukha ng biktima at nagtapyas pa ng ilang parte ng katawan ng kawawang dalagita. Mga walang habag. Ano na ba ireng nangyari sa ating bansa? Parang nangyayari lang ito sa mga islang mga hayop lang ang nakatira. Masahol […]

Mga ‘kotong cops’, di takot kay Duterte?

Grabe na ito, pards! Mistulang hindi na takot kay Pangulong Duterte ang mga kotong cops o mga kotongero sa PNP! Aba, nakakahiya ire, mga kalahi! Pr esidente, hindi sinusunod ng kanyang mga tauhan. Bah, ibang usapan na ito! Di ba napaka-istrikto at talagang mahigpit ang pangulo sa isyu ng droga at krimen pati na ang […]

Bakit may kumakapit sa patalim?

Talamak na sa ating nagisnang lipunan ang kasabihang “ang kumakapit sa patalim ay sa patalim din sisingilin”. Tugma rin ang sabi nila na “ang kumakapit sa utang, sa utang din malilibing”. Marami pang kauri ang mga katagang yan na kung susuriing maigi ay may lohika at makatotohanan. Bagama’t may mga pasubali ng mga pilosopo na […]

Estudyanteng kontra gobyerno…Tatagpasin and scholarship

Asus… isa na namang Maryusep ang naganap, mga pards kamakailan. Ala, e…ano ba ireng upak kontra sa mga estudyanteng kontra-gobyerno? Tatagpasin ang kanilang scholarship sa mga paaralan ng estado? Naku ha! At sinong pontio-pilato ang nagsabi niyan? Sige..diyan lang kayo, mga pards at hahambalusin nating uupakan ang isyung ire: Ganire yan, kabayan. Kamakailan, nanawagan kay […]

Tsismis at sampay pan-y, dapat bang ipagbawal?

Usap-usapan na kamakailan hindi lang sa Pilipinas, baka buong mundo na ang nakitsismis sa dalawang usaping pumutok mula sa Baguio City kamakailan.Grabeng pinag-usapan saan mang sulok na may umpukan lalo na sa hanay ng mga tsismoso at tsismosa sa lipunan. Pero teka lang mga pards, bati muna kami ng Happy New Year sa lahat ng […]

Edad 12 sa criminal liability, kontrobersiya!

Habang isinusulat ang espasyong ito, lalo pang tumitindi ang kontrobersiyang 12-anyos sa criminal liability. Buti nga, ika nila, dose na at hindi yong naunang ipinasa sa komite sa House na nuebe. Ang puntirya ng panukalang batas na ito ay upang magkaroon ng kriminal na pananagutan ang mga menor de edad na may gulang na 12 […]

Iringan ng mga Obispo at Digong, may ending pa kaya?

Mala-telenobela o t eleserye na raw ang litanya ng mga upakan, pasaringan na mistulang parang bastosan  na ang umarangkadang mga patutsadahan sa pagitan ng simbahan at ni Pres. Duterte. Laging may anghang ang mga salitang binibitawan ng pangulo kontra simbahang Katoliko at sumasangga lang naman ang kaparihan. Siguro kung paiiralin ang pagiging tao rin ang mga […]

Kidnapin, itorture – bagong upak!

Bagong taon, may mga bagong upak na namang dumagundong. At siyempre, basta si Pangulong Duterte ang umupak parang kidlat itong riripeke sa mundo. Bago nagtapos ang taong 2018, may mga pahapyaw pa si Digong at pinagpiyestahan muli lalo na sa panig ng kanyang mga kritiko. May joke nga eh: kaya daw nangangayayat ang kanyang tagapagsalitang […]

Welcome 2019, pero?!

Heto na si 2019. Siya na ang bida. Kung merong mga kontrabida sa taong 2018, leksiyon na lamang natin sila. Pero ano ang dapat gawin sa kasalukuyang taon upang hindi na kumalimbang muli ang mga eksenang nagpabigat sa ating buhay sa nakaraan? Kayo, ako, ikaw, tayong lahat…dapat magkaisa upang ating isulong ang nagkakaisang hakbang tungo […]

Amianan Balita Ngayon