Author: Amianan Balita Ngayon

KAKABAKABA KA BA?

NITONG MGA huling araw, sumambulat ang balitang mayroong parang super-variant mula sa Omicron ang bagong panganib na hinaharap ng sangkatauhan. Kasama syempre ang ‘Pinas, at higit na dapat maging punong abala ng mga kinauukulan. Aba, akala natin ay paparating na sa huling hantungan si Covid. Lahat na ng restriksyon ay tinanggal na, ang mga lockdown […]

PROYEKTONG PANG-TURISMO

KAKAIBA ang sigla ng bumabangong turismo sa atin. Kabi-kabila ang mga nangyayari, mga programang tuloy-tuloy na ipinatutupad, upang maisabalikat ang pag-ahon ng ekonomiyang halos tatlong taon ding ibinaon ng pandemyang hanggang ngayon ay nananalasa. Nitong nagdaang lingo, nagkapit-kamay ang Baguio Tourism Council at ang punong tanggapan ng kagawaran ng turismo regional office upang bigyang daan […]

ANYARE?

UNA sa lahat, isang paumanhin ang dapat lang maipaabot sa lahat. Napilitang ulitin – parang repeat performance – ang kolum ng nakaraang lingo, dahil sa pinalawig ang non-working holidays dahil sa Semanta Santa. Gayun pa man, bigyang daan natin ang ilang mga pagninilay bilang mga obserbasyon sa nagdaang lima at kalahating araw na bakasyon. Una, […]

HINGALO AT HINAING

ILANG ARAW ding pinalipas, iniwasang pansinin, kusang kinaligtaan. Pero tila yata kakaiba itong si Covid. Naghihingalo na, tuloy pa rin sya. Sisinghap-singhap na, sige pa rin sya. Ganito si Covid. Habang hindi sinisino, lalong sumisipa. Kaya naman, ang Ilan sa atin, kakaba-kaba.Habang ang iba, pa-dedma. Ano ba si Covid? Nitong nakaraang mga araw, biglaang bumangon […]

3 BUWANG GAWAIN, NAGING 7 ARAW SA PALENGKE

PITONG ARAW – tulad ng paghubog ng mundo ang ginugol ng gobyerno local upang pangunahan ang pagbabalik sa normal ang bahagi ng pamilihang bayan na nasunog, ang Block 3 and 4 at ilang bahagi ni Kaldero Section. Kamangha-mangha ang bayanihang ipinamalas sa paglinilinis at pagbabalik sa higit na maayos na pamimili sa palengke. Aksyon agad. […]

BAYANIHAN SA PANAHON NG SUNOG

ANUMANG pagsubok ang dumarating tulad ng sunog na nangyari sa ating pampublikong pamilihan ay isa lamang pangyayari na nagbibigay ng pagkakataon na muling maipamalas ang pagmamalasakit ng isang sambayanan. Nakakalunos ang maging biktima ng isang sunog na biglang gumulantang. Halos 2,000 na mga manininda ang naging biktima, balot ng pangamba sa nawalang pagkakataong maipagpatuloy ang kabuhayang […]

HINAING AT HALINGHING

NITONG HULING mga araw, lalo na ang mga panahong ipinagdiriwang ang Panagbenga 2023, naging Reclamation City ang Baguio. Kasi naman, walang tigil ang mga reklamong kada segundo ay hinihiyaw ng pinakamareklamong sambayanan. Kesyo, sinakop na ang Baguio ng mga turistang bata-batalyon ang dating, tila mga higanteng langgam na biglaang sumakop sa bawat metrong kwadrado ng […]

TURISMO, PUNO NG SIGLA AT SAYA

NGAYONG ARAW, ibababa na ang kurtina ng tanghalan upang bigyang pagtatapos ang napakasaya at nakakatulirong mga kaganapan ng muling itinanghal ang dati ay taunang pagdiriwang ng Panagbenga. Walang duda, napakamatagumpay ang selebrasyon ng taas-noo nating katangi-tanging Baguio Flower Festival. Tunay na sinabik ang madlang pipol – ang mga bisitang muling umapaw sa lungsod, at maging […]

SIGLA AT SAYA NG PANAGBENGA

KUNG NAGING masaya, masigla, at umaapaw sa galak ang pasimulang mga pagdiriwang ng Panagbenga 2023 nitong mga nakaraang lingo, simula noong unang araw ng buwan, higit pa ang kasiyahan ngayong araw sa pagdaraos ng Grand Float Parade. Kahapon, tiyak na muling nagpasaya ang Grand Street Dancing Parade, umapaw ang madlang bayan, pati na ang mga […]

BAGONG SIGLA, BAGONG SAYA

UMAAPAW ANG sigla at saya nitong nagdaang lingo — ginawang asul ang Burnham Lake, may mga creative events na kaliwa’t kanan ang pagdaraos, at ang Panagbenga 2023 ay patuloy na dinarayo ng isang sambayanang pinasabik ng mga nakanselang pagdiriwang ng higit dalawang taon. Turismo ay buhay na buhay, patunay na bumalik na ang tiwala sa […]

Amianan Balita Ngayon