Iba’t ibang uri at yugto ang pagiging isang ina. May kani-kaniyang istorya ng buhay at kapalaran, may masaya at may malungkot. Maliban sa mga inang nagluwal sa mga anak ay mayroon ding nag-ampon at mayroon namang ina-inahan na itinuring na tunay na anak ang kanilang mga alaga.
Ano ang epekto ng pagsasa-publiko ng gobyerno sa mga pangalan ng pinaghihinalaan nilang mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga na ayon sa DILG at PDEA ay beripikado at sumailalim sa masusing pagmamanman? Iginiit ng PDEA na tama ang mga pangalang nasa “narco list” sa kabila ng lumutang na mga reklamo, natural itatanggi ng […]
Tila wala na yatang makakapigil sa napipintong implementasyon ng “transport modernization program” ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may phase-out ng mga lumang pampasaherong jeepney at papalitan ng mga modernong sasakyan (air conditioned, may wifi, komportable ang upuan, nasa tagiliran ang pintuan, mas malinis ang bugang usok at iba pang features) na hamak na […]
Matapos ang dalawang beses na pagpapaliban sa regular na Barangay at SK elections na noon pang taong 2010 ang huling pagdaraos nito ay inaasahang dudumugin ng mas maraming kakandidato kaysa sa mga nakaraan ang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa. Dahil sa matagal na pagpapaliban ay ipinalagay na naging sabik ang mga nagnanais maglingkod […]
Ang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ay isang rikisitong dokumento na mahigpit na hinihingi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at gobyerno maging ng mga ahensiya at opisina na humihiling nito ayon sa batas sa mga negosyante, kompanya at mga opisyal at kawani ng gobyerno at mga mambabatas.
Maliban sa karapatan ng bawat Pilipino lalo na ang mga kabataan na makapag-aral at magkaroon ng tamang edukasyon na atas ng ating Saligang Batas ay obligasyon din ng bawat magulang na itaguyod nila ang pag-aaral ng kanilang anak. Bagama’t may mga programa ang gobyerno ukol sa libreng edukasyon at matrikula sa mga pampublikong paaralan at […]
Ang krus ay naglalarawan ng pasanin ng isang tao, ito marahil ay dahil sa ginawang pagpapahirap kay Cristo na ipinapasan sa kaniya ang isang malaki at mabigat na krus patungo sa bundok ng kalbaryo kung saan siya’y ipinako sa mismong krus na kaniyang pinasan.
Ang tao ay gumagawa ng sariling desisyon at pagpili, lalo na ang mga nagnanais na magkaroon ng magandang buhay, magkaroon ng sariling pamilya at maabot ang mga pangarap – ito ang nais nila bago makipag-asawa at ikasal. Maaaring gamitin ng tao ang kaniyang lohika, pakiramdam o mga palagay para gabayan siya upang makagawa ng inaakala […]
Ang lungsod ng Baguio ay unang dinisenyo ng isang amerikanong arkitekto na para lamang sa sampung libo katao noong1900’s. Ngunit tila ang pinagbatayan lamang niya na sukat ay ang tinatawag ngayong “central business district”. Pagkalipas ng higit isandaang taon, mula sa sampung libo ay lumobo na sa halos apat na raang libo ang populasyon ng […]
Ang Women’s Day ay unang isinagawa noong Pebrero 28, 1909 sa New York at kalaunan matapos ang isang taon ay ginawa itong International Women’s Day bunsod ng mga pagkilos at demonstrasyon sa New York upang maging hakbang sa pagsulong ng pantay na karapatan ng kababaihan at karapatang bumoto (women’s suffrage). Ipinagdiriwang ng International Women’s Day […]