Category: Editorial

ANG TUBIG AY PARA SA LAHAT, NGUNIT OBLIGASYON NG GOBYERNO NA PANGALAGAAN ITO

Ang tubig ay mahalaga para sa buhay ng tao, ngunit sa kabila ng di-matutulang katotohanang ito na lagi nang inuulit sa mga opisyal na publikasyon, pandaigdigang mga kampanya, at politikal na paggalaw sa nakalipas na dalawang dekada ay nagkaroon ng mainit na debate kung dapat bang tuwirang tanggapin na ang tubig ay isang karapatang pantao, […]

TURISMO AT KAPULISAN, MAHALAGANG MUKHA NG LUNGSOD

Sa muling pagluluwag ng mga restriksiyon at ang layong muling pasiglahin ang industriya ng turismo sa lungsod ng Baguio na hindi maikakailang labis na naapektuhan ng pagtama ng pandemya ng Covid-19 ay inuudyok ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Councilor Lilia Farinas, chairwoman ng committee on tourism, special events, parks and playgrounds na kailangang suportahan […]

PAGPAPATATAG NG POPULASYON AY PANGANGALAGA RIN SA KAPALIGIRAN

Noong Nobyembre 15 ay pumalo na sa walong bilyon ang pandaigdigang populasyon sa mundo, isang babaing sanggol ang isinilang sa Manila na tinagurian bilang sumasagisag sa ika-walong bilyong tao sa mundo. Nagdiriwang ang United Nations (UN) at sinabing ang mahalagang pangyayari ay isang pagdiriwang ng napakahabang buhay ng tao dahil sa mga pag-unlad sa pampublikong […]

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay maaaring magdisenyo ng mga programa ng seguridad panlipunan para sa kanila. “Magbibigay ang Estado ng panlipunang hustisya sa lahat ng yugto ng pambansang kaunlaran.” Isa pa, sinasabi sa Artikulo VIII, Seksiyon 11 na: […]

PAGBABAGO NG KLIMA: TAO ANG SANHI, TAO RIN ANG AAYOS

Ang laki ng ambag ng tao sa modernong pandaigdigang pag-init (global warming) ay mainit na pinagdedebatehang usapin sa pangkating pulitikal, lalo na sa mayayamang bansa. Ipinakita sa maraming mga pag-aaral na mahigit 90 porsiyento ng mga siyentipiko na pinag-aralan ang klima ng mundo ay sumang-ayon na umiinit ang mundo at ang mga tao ang siyang […]

KAILANGANG PROTEKTAHAN AT PANGALAGAAN ANG NATITIRANG MGA WATERSHED

Muling tinututulan ng mga residente partikular ng mga miyembro ng Ambiong-Baguio, East Bayan, Brookspoint, Pacdal, and Peripheries (ABEBBPAP) Federation na nasa loob ng Busol Watershed ang isang panukalang ordinansa na kung maaprubahan ay iuutos ang pagbakod sa buong Busol Forest Reservation (BFR) Baguio Side na sakop ng Proclamation No. 15. Napapaloob sa ordinansa na nais […]

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), mayroon apat na uri ng isang informer o espiya: isang miyembro ng publiko, isang biktima ng isang krimen, isang miyembro ng isang organisadong grupo ng mga kriminal, o mismong mga opisyal ng police. […]

PAGBUBUKAS NG LOAKAN AIRPORT SISIGLA ANG EKONOMIYA NGUNIT HANDA NA BA ITO?

Inanunsiyo ni Mayor Benjamin Magalong na muling magbubukas ang Loakan Airport sa Disyembre tamang-tama sa panahon ng kapaskuhan para sa mga commercial flight dahil sa binibilisan na ng Philippine Airlines (PAL) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang rehabilitasyon ng nasabing paliparan. Pinupulido na ngayon ng PAL at CAAP ang operasyon ng […]

433 NANALO SA LOTTO, KABABALAGHAN BA O SUWERTE LAMANG

Matapos manalo ang 433 na tumaya sa 6/55 GrandLotto na binola noong Oktubre 1, 2022 ay pinagtalunan ng mga tao sa buong bansa at nagpahayag ng kani-kaniyang kuro-kuro, espekulasyon at pagdududa na nag-iwan ng mabigat na katanungan kung sa anong punto na ang “suwerte” ay magmukhang isang raket o pandaraya? Ang tsansa na manalo sa […]

BINAGONG BAGUIO CITY CHARTER, WALA SANANG NAKALIGTAAN AT NABALEWALA

Noong Abril 11 ng taong ito ay naging batas ang Republic Act 11689 o ang Revised Baguio City Charter Act dahil hindi vineto o linagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at naglapse makalipas ang 30 araw. Aamendahan ng RA 11689 ang makasaysayang karta (charter) sa panahon ng Amerikano matapos ang mahigit 100 taon na tutugon […]

Amianan Balita Ngayon