Category: Police Patrol

Tricycle driver, nadakip sa illegal na droga

Rosario, La Union – Nadakip ang isang tricycle driver sa isang buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office at lokal na pulisya sa Barangay Subusub noong July 19. Kinilala ni Chief Inspector Bernabe Oribello, hepe ng Rosario, ang suspek na si Ramil D. Esquivel, 44, residente ng Barangay Poblacion […]

Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa Abra

Natagpuan ang patay na katawan ng isang lalaki bandang 6am ng July 18, 2017 sa Barangay Pattaoig, San Juan, Abra. Nakatanggap diumano si PSI Rodolfo B. Tubadez ng tawag mula kay Barangay Chairman Elisa Malapote ng nasabing barangay at ipinaalam na nakita diumano ni Teodoro Amit, magsasaka at residente ng Barangay Colabaoan, San Juan, Abra […]

Lasing, patay sa pagkalunod

Natagpuang patay matapos malunod ang isang lasing bandang 6:30pm ng July 16, 2017 sa Poblacion, Tadian, Mountain Province. Nakilala ang biktimang si Cris Banban Guidangen, 28 anyos, single, laborer at residente ng Poblacion, Tadian, Mountain Province.

Operator sa Philex Mining, patay matapos mabagsakan

Patay ang isang scope tram operator matapos aksidenteng bumagsak ang lagusan ng level 908 (underground) ng Philex Mining Corporation bandang 4pm ng July 16, 2017. Ayon sa imbestigasyon, bandang 8:40am ng parehong araw nang biglang gumuho ang lagusan ng level 908 at nadaganan ang biktimang si Abelardo Binwag, 48 anyos, operator ng scope tram.

Paupahang bahay, bahagyang nasunog

Bahagyang nasunog ang isang paupahang bahay sa Purok 3, Gabriela Silang, Baguio City bandang 11:30am ng July 13. 2017. Nakatanggap ng tawag mula sa radyo ang BCPO-Station 4 mula sa TOC na may isang paupahang bahay ang nasusunog. Nagpunta ang personnel ng Station 4 sa nasabing lugar upang beripikahin ang ulat at nakita nila ang […]

Fetus, natagpuan sa parking area

Natagpuan ang isang fetus sa Jadewell Parking Area, Harrison Road, Baguio City bandang 9:10am ng July 13, 2017. Habang sakay ng police mobile si PO3 Joseph Dulnuan para sa pagsasagawa ng follow up investigation sa Labsan Street, ay nakatanggap ito mula sa radyo na may nakitang fetus sa nasabing parking area kaya agad na rumesponde. […]

Korean national, huli sa pagnanakaw

Huli sa pagnanakaw ang isang Korean national sa SM Supermarket, Luneta Hill, Baguio City bandang 6:25pm ng July 13, 2017. Nahuli ng sekyu na si Jeff Oyammi ng Raya Security Agency ang suspek na si Tae Gu Kwon, 53, single, Korean national at residente ng Bakakeng Norte, Baguio City, sa pagnanakaw ng apat na bote […]

Number 1 TMWP ng PS 9, arestado

Arestado ang number one most wanted person ng Baguio City Police Office-Station 9 bandang 8:30am ng July 10 sa Barangay Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union. Sa tulong ng pinagsamang operasyon ng BCPO Station 9 at CIDG-CAR, naaresto si Gabriel De Guzman Ellana, 35 anyos at residente ng Apugan Irisan, Baguio City sa bisa […]

Menor de edad, huli sa shoplifting

Huli ang isang menor de edad sa patagong pagnakaw mula sa 7/11 Convenience Store, M. Roxas-Trancoville, Baguio City bandang 11:30am ng July 11. Sa reklamong inihain ni Romel Oller Omo, 37 anyos, franchisee ng 7/11 Convenience Store at residente ng Sarok Camp 7, Baguio City laban sa naarestong lalaking menor de edad na patagong nagnakaw […]

Drayber, natagpuang patay sa Abra

Natagpuang bangkay na ang isang drayber sa Sitio Dalnatan, Agtangao, Bangued, Abra bandang 6:30pm ng July 10. Kinilala ang bangkay na si Leopoldo Barbadillo Bernardez, 54, may asawa, part-time driver at residente sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bangued MPS mula kay Barangay Chairman Mario S. Ballo ng Brgy. Agtangao na […]

Amianan Balita Ngayon